Wednesday, December 3, 2008

the So called LOVELIFE....( tagalog version)

someone ask me to write a tagalog blog.... hhhmmmm....
so think of a topic that seems... all the time...
LOVELIFE

lovelife, pareho din yan ng worklife, nightlife, highschool life, sexlife at lifeguard. eto sakin lang ah, ndi ko to pinost para mang impluwensya, NOTICE TO THE PUBLIC: All subjects posted by the author is just plain opinion. The following contents of this essay or blog is not made to influence others and asked them to be like the author. All contents are just posted as a way to express opinions and thoughts. ndi ko na yan papanotaryo sayang naman pera ko. pero anyways, lovelife…. parang ang sarap pag nakakarinig ka ng mga tsiks na nagsasabing "ang saya ng lovelife ko", pero antayin mo lang, bigyan mo sila ng mga two to three months, ang dialogue ng masayang lovelife ay mapapalitan ng "panu to di ko na sya mahal" o kaya ay "lagi na lang nya akong sinasaktan". kasabay ng mga naturang dialogue ay ang mga sumusunod:


a.) pagpapalit ng theme ng profile sa friendster. mula sa girly at happy lovelife ay magiging suicidal at emo ang tema.


b.)pagiinom ng madalas. tapos pag medyo nalasing na tatawagan ang bf sabay drama ang eksena.


c.)lalapit ng lalapit sa bestfriend na lalake. maglalabas (kuno) ng sama ng loob.


d.)mag popost ng bulletin at blog na tungkol sa kalungkutan ng kanyang lovelife.



kelan lang narinig mo pa sya na nagsasabing ang saya ng lovelife nya.pareho lang din naman sa mga lalake. pero mas mabigat magdala ng lungkot at kabiguan sa lovelife ang lalake. bukod sa (mas) madalas na paginom at pagsisigarilyo. nagkakaroon din ng malakas na suicidal tendency ang mga lalake. sa mga naghihithit ng adik, tumataas ang dosage nila.(sa mga adik na depress. maganda bigayan ngaun sa pasig)anyways, ang mga lalake naman, ganto "t**g ina pare, ang hot nya na ang bait pa" o kaya naman ay "sh*t pare in love na ata ako". pagkatapos ng maiinit na text messages at ilang libong "i love you" verbally at written, eh napapalitan naman yan ng "t**g ina pare ang labo nya" at "t**g ina nya, minahal ko pa naman sya". hindi ko naman tinatanggi na ako din eh nagdaan sa ganun. pero mas madalas kong dinaan sa inom at pagsama sa tropa(pota! sama kau sa mga tropa ko tanggal depression nyo). ang mga sumusunod naman ay mga madalas gawin ng lalake pag heartbroken.



a.)tulad ng nabanggit. paglakas sa mga bisyo.


b.)pag gawa ng mga bagay na hindi ginagawa dati. tulad ng online gaming at sports.


c.)pagtetext at pangaaway sa ex na parang isang mad stalker.


d.)pagiisip ng mga paraan kung panu magkakabalikan.


e.)pagwawala at paghahanap ng away.


at ang panghuli ay maglibang, tulad ng pagiisip ng paraan kung panu patayin ang ex at kung meron ay ang paraan kung panu patayin ang lalakeng umagaw sa gf. hindi talaga madali para sa isang tao ang maheart broken at masaktan ng punyetang pag ibig na yan. kahit mayaman, mahirap, bobo o matalino ay nahihirapan lalu na kung sobrang nasaktan. kaya kung ako sa inyo, stop spreading the love or you will also spread the hurt. hehehe. joke lang. magandang gawin? maghanap ka ng tama sau, hndi kumo magaling mag break dance at magaling kumanta gaya ni sarah geronimo eh pwede na. ndi kumo kamuka nya ung bida sa prison break o kamuka nya ung chick sa napanood mong scandal eh aus na. hindi din batayan na komo sagitarrius ka at sya ay may alagang persian cat eh compatible na kau. sa tingin ko ginagamitan din ng utak at scientific methods ang pagpili sa babae o lalake na mamahalin mo. kelangan din ng compatability at similarity of interests. ndi pedeng zodiac sign lang lage ang sinusunod mo. sa tingin ko din, kelangan mo din ng advice mula sa mga kaibigan at kapamilya(pati kapuso) tungkol jan. pagbabasa ng libro? sa pananaw ko ndi makakatulong ang mga nababasa mong libro tungkol dun sa pagpili ng tunay mong lovelife. lovelife. isipin nyo, 8 letters lang yan pero ang dami kong nasabi. kaya ako, maglalife guard na lang ako. kesa naman pasakitin ko ang aking ulo(taas at baba) tungkol sa lovelife na yan. maganda nyan. mag post na lang din kau ng blog tungkol sa lovelife, tulad ko…

0 comments: